Liza Soberano

WALANG itulak-kabigin sa mga programa ng Star Creatives na umeere ngayon. Umaarangkada sa ratings game ang Forevermore nina Enrique Gil at Liza Soberano. Kasalukuyan ding talk of the town ang napakagandang Bench billboard ng dalagita.

Pinag-uusapan na rin ang namumuong love team nina Liza at Diego Loyzaga. Katunayan, maging ang mga taga-Amerika ay nagpadala ng mensahe sa Facebook account namin para lang sabihing mas bagay daw si Liza kay Diego kaysa kay Enrique dahil halatang may edad na ang huli.

Pero bago umere ang Forevermore, napapanood muna ang umaarangkada rin sa ratings na Dream Dad. Umabot sa 33.8 ang episode na nagsabi si Baste (Zanjoe Marudo) na liligawan niya si Alex (Beauty Gonzales) dahil nga may karibal na siya, si Paul (Matt Evans).

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Inakala namin na bagay nang love team sina Zanjoe at Beauty, pero nang ipasok si Matt ay bagay din pala sila ng dalaga.

Partida pa, pare-pareho nang ‘taken’ ang tatlong bida kaya hindi mo pag-iisipan ng malisya na posibleng magkagustuhan, ang galing nilang umarte kaya naipararamdam nila sa viewers na may something sila.

Cute panoorin ang love triangle nina Baste, Alex at Paul sa Dream Dad dahil clueless ang huli na may gusto rin pala ang boss sa dalaga.

Anyway, sa mga kababayan nating taga-Baguio ay kasama sa Kapamilya Karavan sa Panagbenga Festival sina Zanjoe, Beauty, Jana “Baby” Agoncillo sa may Melvin Jones Bridge Park, 4 PM sa Sabado, March 7. Kaya sa mga sumusubaybay ng Dream Dad, abangan n’yo po sila.