TARLAC CITY - Tumitindi ang operasyon ng mga kriminal na riding-in-tandem na nitong Huwebes ng gabi ay nangholdap sa isang mag-asawa at binaril pa sa ulo ang isa sa mga biktima sa Tarlac-Sta. Rosa Road, Barangay San Jose, Tarlac City.

Kinilala ni SPO1 Daniel Banaga ang napatay na si Marvin Galvan, 38, ng Block 7, Bgy. San Jose, Tarlac City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong 8:30 ng gabi, sakay sa motorsiklo si Galvan at asawang si Geraline, 38, gayundin ang pinsan ng una na si Sherily Galvan, 35, nang harangin sila ng mga suspek.

Binaril ng mga suspek sa ulo si Marvin para makuha ang P60,000 cash mula sa mga biktima.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20