Napakaraming estudyante ang maghahagis ng kanilang cap sa ere sa graduation day ngayong taon. Sisimulan na nila ang paghahanap ng trabaho, pagbibiyahe abroad, pati na ang buhay bilang propesyunal. Maraming aspeto ng kanilang buhay ang maiiwan, pati na ang mga rituwal at tradisyon na nakatulong sa kanilang tagumapay. Sa paghakbang ng panahon, nawawala na ang mga rituwal at tradisyon.
Ang ating pagkabata ay puno ng mga seremonyal na pintuan na dapat pasukan, sa pagsisimula at pagtatapos ng bawat school year na nagbibigay ng mga istruktura at pakiramdam ng progreso sa unang mga taon ng ating buhay. Pagkatapos, ni walang anumang babala, itinutulak tayo sa isang mundong walang patid ang pagbibiyahe mula bahay patungong opisina, tuluy-tuloy na paghahanap-buhay, walang patlang na kababayad ng bills, pag-aasawa, panganganak, at kamatayan. Ang saya, di ba?
Ito ang dahilan kung bakit mahalaga ang mga rituwal sa araw-araw – na madalas namang kaligtaan – upang magdulot ng kabuluhan. Ang mga rituwal ang nagdudulot ng hugis at koneksiyon sa ating mga araw na higit pa sa sanlinggong pagtatrabaho. Narito ang ilang paraan upang maisama ang mga rituwal sa ating buhay upang magkaroon ito ng kabuluhan:
- Batiin ang bagong araw. – Kung nag-uunat ka sa iyong kama matapos patayin ang alarm clock, batiin ang Lunes sa pamamagitan ng paghigop ng mainit na kape sa paborito mong lugar. Maaari rin namang sumaludo ka sa liwanag ng bukang-liwaysay at gawin mo itong rituwal upang magdulot ng kasiyahan sa iyong puso at maging inspirado hanggang sa paglubog ng araw.
- Regular na pagkikita. – Alam ng mga miyembro ng isang club o grupo na sila-sila ang magkakaibigan na madalas na nagkikita sapagkat ang pagtatagpong iyon sa takdang oras ay nakaukit na sa bato. Gamitin mo ang prinsipyong iyon sa iba pang mahal sa buhay. Halimbawa, puwed kayong mag-get together ng iyong barkada tuwing Biyernes o minsan sa isang buwan sa isang restaurant; sa huling Sabado naman ng buwan naman sa iyong best friend.
Sundan bukas.