LIPA CITY, Batangas – Bumagsak sa kamay ng awtoridad ang dalawang umano’y big-time drug dealer sa Lipa City, na nakumpiskahan ng nasa P800,000 halaga ng shabu sa operasyon ng pulisya nitong Miyerkules.

Nasa kostudiya na ng pulisya sina Monabai Arthur at Daud Dimapando.

Ayon kay Insp. Hazel Luma-ang, information officer ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 2:30 ng hapon nang maaresto ang mga suspek sa buy-bust operation ng mga operatiba ng Lipa City Police sa Monte Claro, Barangay Sabang.

Nasamsam umano mula sa mga suspek ang 10 sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 63.9 gramo at nagkakahalaga ng P817,640.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nakuhanan pa umano ng dalawang .45 caliber pistol ang mga suspek.