Ipinagdiriwang ngayon ng Ghana ang kanilang National Day. Karaniwang nagdaraos ng street parties, musical performances, cultural displays sa pamamagitan ng tradisyunal na dance groups, at mga parada ng security personnel at mga batang mag-aaral sa selebrasyon ng National Day.

Matatagpuan sa West Africa, ang Ghana ay nasa hanggangan sa kanluran ng Cote d’Ivoire, sa hilaga ang Burkina Faso, sa silangan ang Togo at sa timog ang Gulf of Guinea. Ang terminong Ghana ay literal na nangangahulugan ng “Warrior King”. Nasa 27 milyon ang populasyon.

Noong ika-15 at -16 siglo, nagtungo ang puwersang European sa Ghana dahil sa ginto. Kaya tinawag ng mga Portuguese ang bansa bialng Elmina, na nangangahulugan ng “the mine” habang tinutukoy ito ng British bilang “Goad Coast”. Magpahanggang ngayon, malaki ang iniaambag ng pagmimina ng ginto sa kita ng pamahalaan. Natamo ng Ghana ang kalayaan mula sa Britain noong 1957, at ito ang unang black African country na naging malaya.

Matatag ang ekonomiya ng Ghana kaysa mga bansa sa West Africa, halos doble sa larangan ng per capita output ng mahihirap na bansa sa rehiyon. Upang magpatuloy ang matatag na ekonomiya ng Ghana, nagpapatupad ang pamahalaan ng “Ghana Vision 2020” ba isang economic plan upang maging unang African country ang Ghana na maging developed country sa pagitan ng 2020 at 2029 at bagong industrialized country sa pagitan ng 2030 at 2039.

National

Rep. Paolo Duterte, nagbabala vs pekeng Viber account na ginamit number niya

Ang Ghana ngayon ang pangalawang pinakamalaking producer ng cocoa sa daigdig. Inaasahan itong maging pinakamalaking producer ngayong taon. Isa ang bansa sa top producers ng ginto sa daigdig. Ang pangunahing export nito ay kahoy, diyamante, elektrisidad, bauxite, natural gas, krudo, at manganese.

Binabati natin ang mga mamamayan at pamahalaan ng Ghana sa pangunguna ni Pangulong John Dramani Mahama, sa okasyon ng kanilang National Day.