Marso 6, 1992 nang kumalat ang “Great Michelangelo Virus Scare”. Iba’t ibang uri ng Stoned Boot Sector virus, idinisenyo ang Michelangelo upang i-overwrite ang unang 17 parte ng bawat track sa isang hard disk na kontaminado ng virus.

Ito ay unang nadiskubre noong Pebrero 1991 ni Roger Riordan, na bumuo ng VET, isang kilalang anti-virus application. Nalaman ni Riordan na makapipinsala ang virus kapag ang araw sa computer ay sumapit sa Marso 6.

Mabilis na kumakalat ang virus sa pamamagitan ng floppy drives, at mabubura ang mahahalagang datos sa computer. Kapag sinubukan ng user na magpasok ng datos gamit ang floppy disk, mababasa niya ang mensaheng, “Non-system disk or disk error.” Ito ay dahil corrupted ang Master Boot Record.

MRT-3 GM Bongon, sinibak sa puwesto dahil sa nagkaaberyang escalator

Ayon sa anti-virus expert na si John McAfee, ang limang milyong computer sa mundo ay posibleng magkaroon ng Michelangelo virus. Gayunman, maraming anti-virus program ang nailunsad makalipas ang Oktubre 1991 na nakatanggal sa virus.