Judy Ann Santos

SAYANG at nahuli kami sa presscon ng Someone To Watch Over Me serye nina Judy Ann Santos at Richard Yap kasama sina Mr. Eddie Garcia, Diether Ocampo at iba pa mula sa Dreamscape Entertainment na ididirek nina Onat Diaz at Trina Dayrit.

Hindi tuloy namin natanong si Juday tungkol sa isyung nagtampo siya sa ABS-CBN management nang hindi siya sabihan nang maayos sa pagtatapos ng game show niyang Bet On Your Baby.

Nang ilabas kasi namin ang nasabing isyu ay kinorek kami ng taga-ABS-CBN at sinabing walang katotohanan ang isyu.

National

Ilang araw bago ang New Year: Bilang ng mga naputukan, pumalo na sa 69

Imposible raw na hindi alam ng TV host/actress ang mangyayari sa nasabing programa dahil bago naman daw ito inumpisahan ay inilatag na sa kanya ang lahat na posible rin namang totoo.

Kaya hindi raw totoo ang tampo ni Juday sa management at kung sinuman daw ang source namin ay, “Wala siyang alam kaya siguro nasabi niya ‘yan.  Kung sinuman ‘yang source mo, i-check niya ang facts niya,” diretsong sabi sa amin.

Okay, fine!  Pero pinaninindigan namin ang sinulat namin, Bossing DMB.

Mabuti na lang, present sa presscon ng Someone To Watch Over Me si Katotong Vinia Vivar kaya siya ang nakapagtanong kay Judy Ann tungkol sa tampo nito sa management ng Dos na inamin naman ng aktres.

“Well, ‘yung tampo naman with ABS, kung baga come and go naman siya, hindi ba?” sagot ni Juday kay Katotong Vinia. “Bilang artista at bilang nagtatrabaho sa kanila, ako ay isang empleyado lang, may mga pagkakataon talaga na minsan hindi mo maiiwasan na magkaroon ka ng tampo sa mga boss mo pero lahat naman ‘yun naaayos kapag napag-uusapan.

“Yes, nagkaroon, pero maliit lang, maliit na bagay and napag-usapan naman after a while, and ganu’n naman talaga kami. Siguro may mga pagkakataon lang talaga na kailangang dumating ‘yung time ngayon para maging open kayo sa isa’t isa at kung ano ‘yung puwedeng hindi na maulit sa susunod.”

Itinanong ni Katotong Vinia kung gaano kaliit ang sinasabi ni Juday na maliit niyang tampo sa management.

“Maliit lang,” tumatawang sagot ng aktres. “It’s still part of work, it’s still part of me with ABS. But obviously, we’re okay already, we have projects coming. 

“May mga bagong proyekto na maaring maluto along the way. So, ano lang ‘yun, it’s just the (hindi nagkaintindihan) wala namang issue sa trabaho, it’s just the relationship basically.”

At mukhang noong nakaraang Sabado (Pebrero 28) nagkausap ang ABS-CBN management headed by Channel Head, Ms. Cory V. Vidanes at Entertainment Head, Direk Laurenti Dyogi at Judy Ann sa isang mamahaling restaurant sa Makati City.

Hmmm, siguro nga kailangan ni Budaday ng someone to watch over her para hindi na maulit ang tampo niya.