SA unang pagbibida sa Maalaala Mo Kaya (MMK) na mapapanood ngayong Sabado ay makikipagsabayan sa matinding drama ang TV host-actress na si Isabelle Daza.

Family drama episode ang unang MMK ni Isabelle, tungkol sa magkapatid na Myra (Isabelle) at Thelma (Miles Ocampo) na magkakalamat ang samahan habang lumalaki dahil sa mga kinimkimkim na galit at selosan sa atensiyong ibinibigay ng kanilang mga magulang. Ngunit magbabago ang lahat nang ma-diagnose si Myra na may malubhang sakit sa bato.

Mapagtatanto ng magkapatid na sa kabila ng lahat ay mahal nila ang isa’t isa. Hanggang saan ang kayang isakripisyo ni Thelma para pahabain ang buhay ng pinakamamahal na kapatid?

Makakabituin nina Isabelle at Miles sa MMK episode bukas sina Belle Mariano, Althea Guanzon, Snooky Serna, Allan Paule, Ryan Ramos, John Servilla, Raquel Montesa, Nathan Lopez at Bea Basa. Ito ay mula sa script ni Ruel Montañes at sa direksiyon ni Jerry Lopez Sineneng. 

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, MMK, tuwing Sabado, 7:15 PM, pagkatapos ng Home Sweetie Home sa ABS-CBN. Maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng MMK gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.