Nakahanap ng malaking tulong ang grassroots football program ng Globe Telecom na “Football Para Sa Bayan” sa target na mas mapa-angat ang kapakanan ng mga kapuspalad na kabataan upang madiskubre ang kanilang mga talento.

Ito ay nang makipagkasundo ang pinakamalaking produkto ng telecommunication na may mass market brand na TM upang mas mapalawak at matulungan ang mga lugar at mahihirap na kabataan sa bansa.

Kikilalanin ang programa bilang “TM Football Para Sa Bayan,” ang ikatlong sports program na uusad bilang isang malaking inisyatibo upang magbigay ng pagkakataon sa hindi pa nadidiskubre ngunit may mga talento kabataan sa komunidad ng football, bukod pa para maipakita ang kanilang husay kontra sa magagaling na bansa.

Ilulunsad ang event para sa isang taong eksklusibong programa upang tulungan ang mga kabataang umangat sa kahirapan at maipamalas ang kanilang natatagong talento sa football.

National

3 suspek sa pagkidnap at pagpaslang kay Anson Que, driver nasakote na!

“For three years now, the “Football para sa Bayan” program has positively affected thousands of marginalized Filipino youth by providing them a venue to fulfill their dreams for a better life through sports. We want to grow this initiative further not only by honing their skills and increasing the level of play even at a very young age, but also helping pave the way for them to become productive and responsible citizens of our country,” sabi ni Trina Sebastian, Director for Portfolio and Brand Management ng TM.

Ang programa ay binubuo ng clinics, festivals at iba’t ibang sesyon na magsisilbing lugar para sa skills development at maging sa rapport-building sa mga barangay at lokal na gobyerno.

Ito ay pangungunahan ng tagapagtaguyod ng football na si Globe Ambassador, dating Azkals team captain at kasalukuyang Green Archers United co-captain/central midfielder Emelio “Chieffy” Caligdong.

Inilunsad noong 2013, nakapagbigay ng oportunidad ang programa sa mahigit na 5,000 mahuhusay na kabataan sa 40 komunidad upang bigyan ng pagkakataon na umangat sa kanilang buhay. Halimbawa na dito ang dalawang manlalaro na nabigyan ng sports scholarship sa De La Salle-Zobel, University of the Philippines (UP) at Polytechnic University of the Philippines(PUP).

Isasagawa ang programa sa mga pangunahing lugar sa bansa kung saan ang festivals ay lalarga sa lungsod ng Dumaguete, Iloilo, Davao at maging sa mga probinsya ng Palawan at Capiz.

Pinaghusay na rin ang pagtuturo, pasilidad at suporta sa coaching sa pakikipagkasundo sa Green Archers United kung saan ay bahagi sa programa ang pagpili ng 40 komunidad upang isali sa pagbubukas ng United Football League summer tournament.

Sisimulan ng “TM Football Para sa Bayan,” sa una nilang serye, ang Football Festival sa pagsasagawa ng 7-side na torneo kung saan ay muling ituturo ni Caligdong ang kanyang mga natutunan sa mga kabataan ng Barotac Nuevo sa Iloilo City sa Marso 7 at 8. Gaganapin din ito sa Tondo at Payatas Football Club.

Magsasagawa rin ng liga para sa street football na gagawin sa mga barangay simula sa Hulyo hanggang Oktubre.