KC at Paulo

“WALA pa naman kaming inaamin na naging kami, ‘tapos break na agad. Wala namang nagbi-break siguro na magkakaibigan ,” diretsahang sagot ni Paulo Avelino nang tanungin namin kung totoo ang napabalitang break ni KC Concepcion. 

Nagulat siya sa naturang isyu, ayon pa sa magaling na aktor nang makausap namin after ng prescon ng Bridges Of Love na isa siya sa mga bida kasama sina Jericho Rosales at Maja Salvador. 

Hindi naman daw nababasa ni Paulo ang mga post ni KC sa social media na nangungulila ito sa isang tao. Marami ang nagpapalagay na si Paulo ang tinutukoy ng anak ng megastar. 

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Sa totoo lang, hindi ko pa nabasa. ‘Check ko mamaya sa Instagram!” depensa ni Paulo. 

Pero tuloy-tuloy pa rin naman daw ang komunikasyon nila ni KC, nagkakausap pa rin sila ni KC at sa palagay daw niya ay wala raw naman siyang nakikitang problema sa kanila. 

Matagal tagal na rin naman silang nali-link sa isa’t isa pero wala pa ring pormal na pag-amin o paglilinaw kung ano ang real score sa kanilang dalawa. Hindi rin kasi sila madalas na nakikitang magkasama sa publiko. Hanggang saan kaya ang relasyon nilang dalawa? 

“Well, as friends, eh, hindi naman mahirap aminin yan,” napatawang sagot ni Paulo. 

May magiging problema ba kung aaminin nila sa publiko  na may relasyon na sila? Hindi kaya sadyang pinaglalaruan lang nila ang mga tagahanga nila? 

“Hindi po. Sa totoo lang, sa ngayon, eh, sa career namin at sa sarili namin ang focus namin at we are trying din naman to be better people. And siguro hindi lang  talaga panahon ng pag-ibig,” napatawa uling sagot ni Paulo.

Samantala, idinaan din ng aktor sa ngiti ang tungkol naman sa kalat na kalat ding balitang hindi na itinatagong nina LJ Reyes at JC Vera ang relasyon nila. 

“Talaga, sila na ba? Hindi ko ‘yun alam,” may ngiting sambit ng binatang ama.

Walang problema kay Paulo kung makikipag-date si LJ sa iba. Katwiran pa ng aktor, kung saan masaya ang dating kasintahan ay wala raw siyang magagawa kundi suportahan ito.

May anak sina Paulo at LJ, si Aki.