Markado sa Marso ang pagtatapos ng School Year 2014-2015, at kaakibat nito ang pagdaraos ng graduation day na isang seremonya ng pagmumulat para sa kabataang Pilipino sa lahat ng antas – elementary, high school, at college. Ang graduation day ay isang milyahe sa buhay ng bawat estudyante at dapat itong ipagdiwang; ito ang gantimpala para sa dinaanan nilang pagsisikap at pagtitiyaga at sipag. Kahit ang graduation ng mga kindergarten pupil, na magmamartsang suot ang puting toga, ay dahilan para magdiwang.

Mataas ang pagpapahalaga sa edukasyon sa Pilipinas. Pinagyayaman ng mga pamilya ang mga taon ng paglalakbay ng kanilang mga anak sa edukasyon – mula pre-school, hanggang elementary, hanggang high school at college. Ang pinakaaabangang okasyon ay ang graduation sa college. Para sa mga nagmamalaking magulang, ito ang gantimpala para sa tiyaga at sakripisyo upang maibuhos sa kanilang mga anak ang pinakamahusay na edukasyon. Nakikita ng mga guro ang katuparan sa pagsasaksi sa pagtatapos ng mga estudyante na kanilang tinulungang linangin at hulmahin hanggang maging kapaki-pakinabang na mga mamamayan.

Inihahanda ng graduation day ang mga estudyante para sa mas mataas na mga responsibilidad bilang mga batang professional para college graduates, at sa pagpunta sa susunod na antas para sa mga graduate ng elementary at high school. Sa official school calendar na inisyu noong nakaraang taon ng Department of Education (DepEd), ay nagkakaloob ng huling araw ng mga klase at graduation sa public schools sa Marso 27 ngayong taon. Tradisyunal na idinaraos ang graduation tuwing Marso ngunit dahil sa paglipat ng academic calendar sa ilang unibersidad, ang graduaton months para sa college ay maaaring sa Abril o Mayo.

Tulad ng mga nakaraang taon, ang DepEd at ang Commission on Higher Education (CHED) ay nagpapayo sa mga paaralan na panatilihing simple ang mga seremonya, kung saan nagpatupad ang una ng “no collection” ng graduation fees sa public schools. Sa maraming pagkakataon, ang mga graduate sa elementary at high schools, kahit na sa mga private school, ay magsusuot ng kanilang mga uniporme, bilang pagtalima sa austerity measure. Sa maraming college graduation, magsusuot ang mga graduate ng simpleng pananamit sa ilalim ng kanilang mga toga.

National

Walang naitalang nasawing Pinoy sa Myanmar, Thailand dahil sa M7.7 na lindol – DFA

Ang graduation ay ay isang oportunidad upang parangalan ng mga graduate ang sakripisyong ginawa ng kanilang mga magulang at pasalamatan sila sa pagkalinga at pagmamahal na ibinigay sa kanila, pati na rin ang pahalagahan ang kanilang mga guro, kaibigan, at benefactor para sa handog ng edukasyon. Pinapayuhan ng CHED ang mga papasok na college student na piliin ang “priority courses” na tinukoy base sa manpower demands hanggang 2018.