Kim at Jericho Rosales

KAHIT na may isang taon nang kasal kay Kim Jones ay wala pa sa plano ni Jericho Rosales na magkaroon sila ng anak. Pero ipinagdarasal niya ang tamang panahon para sa karagdagang miyembro ng pamilya.

“Sa totoo lang, gusto ko muna na ma-enjoy niya ‘yung work niya. I mean, ako din naman gusto ko maging handa na para diyan. Kasi ‘pag kinasal kayo hindi naman tapos du’n. Siyempre, pag-aaralan n’yo pa at ‘yung right timing,” pahayag ni Echo. 

Sisiguraduhin daw niya na may panahon siya at dapat ay nasa tabi siya parati sa asawa kapag buntis na ito.

Ahas na mas makamandag daw sa cobra, namataan sa baha sa CamSur

Kaya dapat daw na planuhin nila nang husto ang bagay na ‘yun. 

“I want to be there for her kapag nabuntis na siya. I want to be there a few months before siya manganak and a few months after siya manganak. So timing is crucial talaga. Gusto ko nando’n ako, eh, para sa kanya and we’re both not ready pa.Time will come,” sey pa rin ng aktor na isa sa mga bida ng Bridges of Love.

Sa bagong teleserye  niyang ito ay hindi naging problema sa kanilang mag-asawa ang ilang maiinit na eksenang ginawa nila ni Maja Salvador. Bukod sa may tiwala sa kanya ang asawa ay ipinagdiinan ni Echo na isang Australian ang napangasawa niya. 

“Medyo open ‘yung kultura nila so hindi masyadong konserbatibo pero may value siyempre si Kim. Alam niya ang ginagawa ko, ‘yung work ko na may reason. She knows that hindi ako gagawa ng isang bagay for wrong reasons. That’s how much she trusts me at ganu’n din naman ako sa kanya,” banggit pa ng premyadong aktor.