BEIJING (Reuters) – Kasalukuyang iniimbestigahan ng China ang noon ay military officer kaugnay sa korupsiyon, pahayag ng dalawang source sa Reuters, habang pinapalawig ni President Xi Jinping ang kanyang kampanya laban korupsiyon sa bansa.
Si Guo Boxiong, 72, ay isang vice chairman ng makapangyarihang Central Military Commission hanggang sa siya ay nagbitiw noong 2012. Sumailalim din sa imbestigasyon noong nakaraang taon si Xu Caihou, dating vice chairman.
“Guo Boxiong himself is in trouble and is being investigated,” ayon sa isang source sa Reuters.