Nasugbu, Batangas - Inaresto ng mga awtoridad ang isang 31 anyos na dalaga matapos umanong mag-deliver ng pinaghihinalaang shabu sa Nasugbu.

Huli sa entrapment operation ang suspek na si Reychelle Geli, taga-Dasmariñas, Cavite.

Ayon sa report ni PO2 Wilson Mendoza, bandang 10:00 pm noong Linggo, kausap umano ng mga pulis ang isang asset na pagdadalhan ng ilegal na droga ng suspek.

Sa isang kantina sa Barangay 2 nasakote ang dalaga at narekober umano sa kanya ang 7 sachet ng hinihinalang shabu.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20