AP– Dahil napakalaki ng laban, hindi masyadong gugugol ng panahon sina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. para sa promosyon nila.

Ang dalawang boksingero ay magsasama sa Marso 11 sa Los Angeles para sa nag-iisang press conference bago ang linggo ng laban, sinabi ng mga organizer kahapon.

Hindi sila muling maghaharap hanggang sa final press conference sa MGM Grand ilang araw bago ang kanilang mega fight sa Mayo 2.

Ang dalawang fighters ay nag-umpisa na sa kanilang training para sa laban. Dumating na si Pacquiao sa Los Angeles noong weekend mula sa Pilipinas. Siya ay magsasanay sa Wild Card gym sa Hollywood, habang si Mayweather ay nagsasanay naman sa kanyang sariling gym sa Las Vegas.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang fans na umaasang masisilayan nila ang fighters sa Los Angeles press conference ay tila naubusan ng suwerte. Ang event ay bukas lamang sa mga miyembro ng media na mayroong credentials.