Iniulat ng Ultimate Fighting Championship sa website nito na aamin ang dating middleweight champion na si Anderson Silva sa paggamit ng “several performance enhancing substances” upang matulungan ang kanyang recovery mula sa nabaling binti.
Binanggit ng UFC report ang Brazilian media outlet na UOL bilang source.
Ayon sa ulat, aaminin ni Silva sa kanyang pagharap sa Nevada Athletic Commission ngayong buwan, wala pang tiyak na petsa ang naitatakda, ngunit para lamang tulungan siyang magpagaling, at walang anumang pagtatangka na magkaroon ng bentahe sa kanyang kalaban.
Si Silva ay kasalukuyang nasa ilalim ng temporary suspension na ipinataw ng Nevada Athletic Commission matapos magpositibo para sa Drostanolone at Androstane noong Enero 9 sa isang out-of-competition drug test, at pagkatapos ay nagpositibong muli para sa Drostanolone noong Enero 31 sa isang fight-night drug test.
Ang test noong Enero 31 ay nagbigay din ng mga positibong resulta para sa Oxazepam at Temazepam, mga anti-anxiety medications na madalas ginagamit para sa sleep deprivation.
Ang anti-anxiety medications ay hindi banned substances, ngunit si Silva ay nabigong ilahad ang mga ito sa kanyang pre-fight medical questionnaire.
Si Silva, ayon sa ulat, ay aamininin na ang physician-prescribed drugs ay ginamit upang makatulong sa kanyang recovery mula sa back spasms at muscle pain. - Yahoo Sports