DALLAS (AP)– Hindi makalalaro si Dallas Mavericks point guard Rajon Rondo sa tatlong laban o higit pa matapos mapinsala ang orbital bone sa kanyang kaliwang mata at mabali ang ilong.

Hindi nakapaglaro si Rondo sa laban kontra sa Minnesota kahapon. Una nang sinabi ng koponan na hindi siya magbibiyahe sa West Coast para sa mga laro kontra sa Golden State at Sacramento nitong Lunes at sa halip ay mananatili sa Dallas upang sumailalim sa karagdagang pagsusuri.

Kulang ng dalawang minuto sa laro noong Sabado laban sa Orlando, nadapa si Rondo sa binti ni Magic guard Elfrid Payton. Habang sinusubukang makatayo, si Rondo ay hindi sinasadyang natuhod sa mukha ng kakamping si Richard Jefferson.

‘’My thoughts go out to him - I want him to get better soon,’’ sinabi ni Jefferson. ‘’Hopefully he has a quick and speedy recovery. Luckily we have the All-Star break not far away, so hopefully that gives him some more time to get right and get back. But he’s a tough dude, a tough guy.’’

National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’

Si coach Rick Carlisle ay may ilang guwardiya na maaring magpatakbo ng opensa, si Devin Harris, J.J. Barea o Raymond Felton. Sinabi ni Carlisle na kahit sino sa kanila ay inaasahang magkakaroon ng kaparehong papel sa pagkawala ni Rondo.

‘’Why would it change? It’ll just be a different starter - somebody will bump up,’’ ani Carlisle. ‘’It’s the next man up when you lose a player. Our guys have worked hard all year and we should be ready.’’

Sa 21 laro mula nang ma-trade sa Dallas mula sa Boston, si Rondo ay nag-average ng 9.2 puntos at 6.5 assists kada laro.

Ang laro laban sa Minnesota ang unang laro ng Mavericks sa anim na laro sa loob ng 10 araw bago ang All-Star break. Ang kanilang sunod na home game ay sa Sabado laban sa Portland.