Nahaharap sa parusang bitay ang isa na namang Pinoy drug mule dahil sa pagpupuslit ng cocaine sa United Arab Emirates (UAE) noong nakaraang taon.

Sa Marso 30 maglalabas ng hatol ang UAE court laban sa 38-anyos na Pinoy na hindi pinangalanan.

Sa record, dumating ang Pinoy sa Dubai International Airport Terminal 3 galing sa Brazil at patungo sana sa Vietnam nang mapansin ng mga awtoridad sa UAE ang kahina-hinalang kilos nito sa paliparan noong Oktubre 2014.

Agad dinala ng awtoridad ang Pinoy sa inspection room at sinuri ang mga bagahe nito hanggang nadiskubre ang isang pambabaeng bag na puno ng hindi mabatid na halaga ng hinihinalang cocaine.

National

Espiritu kay VP Sara: ‘Yung tatay mo mamamatay-tao, si Ninoy lumaban para sa karapatang pantao!’

Sinampahan ng kaso ang Pinoy sa Court of Instance at agad na nilitis ang kaso.

Inamin umano ng Pinoy sa korte na ilegal na droga ang kanyang ibibiyahe patungong Vietnam matapos siyang upahan ng $3,000.

Ikinulong sa Narcotics General Directorate ang Pinoy, na hindi overseas Filipino worker (OFW).