Dagdag at bawas sa presyo ang ipatutupad ngayong Martes sa produktong petrolyo ng mga kumpanya ng langis sa bansa.

Sa anunsyo kahapon ng Shell at Eastern Petroleum, epektibo 12:01 ng madaling araw ngayong araw tatapyasan ng 80 sentimos ang presyo ng kada litro ng kerosene at 40 sentimos sa diesel.

Kasabay nito, nagdagdag ang mga naturang kumpanya ng 15 sentimos sa presyo ng gasolina.

Bagamat wala pang abiso ang ibang oil company, asahang susunod ang mga ito sa dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo.

Atty. Kristina Conti, pumalag sa mga umaatake sa EJK victims

Ang bagong price adjustment ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.