Ipinag-utos kahapon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 30 araw na operasyon ng Safeway Bus Lines, Inc. (SBLI) matapos magulungan ng isang unit nito ang isang 14-anyos na estudyante sa Quezon City noong Linggo ng hapon.
Ayon kay LTFRB Chairman Winston Ginez, 15 unit ng Safeway bus ang hindi pahihintulutang makapasada dahil magkakasama ito sa isang prangkisa ng bus na nakapatay sa dalagita.
Sinabi ni Ginez na kahapon ng umaga nila naipadala ang suspension order at sa oras na matanggap ang order ng LTFRB ay hindi na makapapasada ang 15 unit ng bus company.
Isasailalim sa road worthiness test ng Land Transportation Office (LTO) ang 15 unit ng Safeway bus at sasailalim din sa road safety seminar at drug test ang mga driver nito.
Ang biktimang si Aby Cunanan ay nabangga at sumuot sa ilalim ng Safeway bus na may plakang TXP 845 na minamaneho ni Lorry Gallerda sa kanto ng EDSA at East Avenue sa Quezon City dakong 3:00 noong Linggo hapon.