NEW YORK (AP)– Sinuspinde ng isang laro at walang sahod ng NBA ang bituin ng Houston na si James Harden nang dahil sa pagsipa niya kay LeBron James sa groin.
Nagkabuhol ang naging magkakampi sa All-Stars at Olympics sa third quarter sa 105-103 panalo ng Houston kontra sa Cleveland kamakalawa at napahiga sa court bago nito sinipa si James.
Natawagan ng flagrant foul 1 si Harden, na iniangat ng liga sa flagrant 2 kahapon, na dapat ay awtomatikong ejection kung ito ang unang itinawag.
Isang galit na James ang nagsabi, matapos ang laro, na ang pagsipa ni Harden ay “not a basketball play” at dapat silipin ito ng liga.
Si Harden, ang leading scorer ng NBA at isang kandidato para sa MVP, ay hindi maglalaro sa pagbisita ng Rockets sa Atlanta Hawks ngayong Miyerkules.