Pinaghahanap ngayon ng awtoridad ang isang pinaniniwalaaang hired killer na bumaril at nakapatay sa isang empleyado ng Quezon City Hall kahapon ng madaling araw, iniulat ng pulisya.

Kinilala ang nasawing biktima na si Michael Martinez, 52-anyos, nakatalaga sa Business Permit Licensing Office (BPLO) sa QC hall at nakatira sa Ermin Garcia, Barangay Pinagkaisahan, Quezon City.

Si Martinez ay agad na binawian ng buhay dahil sa tinamong tama ng bala sa kanyang baba ng hindi pa malamang kalibre ng baril.

Base sa report ni SPO1 Ericson Isidro ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), dakong ala - 1:30 ng madaling araw naglalakad umano si Martinez patungo sa kanyang sasakyan sa may Judge Jimenez St., Kamuning, nang basta na lamang sumulpot ang killer at binaril siya nang malapitan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Makaraan ang pamamaril sa biktima, mabilis na naglakad ang salarin patungo sa nakaparadang motorsiklo sa dulo ng Jiminez St., at pinaharurot kasama ang kanyang kasabwat patungo sa E. Rodeiguez Ave.

Patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek sa naganap na krimen at inaalam ang motibo ng pamamaslang.