Mula sa pagkamatay, burol, hanggang sa maihatid sa huling hantungan ang mga labi ng 44 na tauhan ng PNP-SAF na minasaker sa Mamasapano, Maguindanao, ang mga naulilang nagluluksa ay humihingi at sumisigaw ng katarungan at malaman ang katotohanan para sa mga mahal sa buhay na SAF commandos. Ang Philippine National Police, ay nagtatag ng board of inquiry upang mag-imbestiga sa naganap na masaker sa 44 na SAF commandos.Lumitaw naman na parang kabute ang iba pang ahensiya ng gobyerno upang gumawa rin ng sariling imbestigasyon.

Marami tuloy ang nagsabi na hindi makabubuti ang maraming investigating body sapagkat baka lalong magulo at walang mangyari. Mas mabuti pa ang bumuo ng Truth Commission upang lumitaw ang katotohanan at kasunod ang katarungan para sa mga minasaker na SAF commandos. Naniniwala ang mga miyembro ng Truth Comission ay matapat, mapagkakatiwalaan, may integridad, matalino, maasaahan at matino.

Nagsimula ang Senado ng imbestigasyon sa Mamasapano masaker ng 44 tauhan ng PNP-SAF Pinangunahan ni Senador Grace Poe na chairperson ng Public Order Committee sa Senado. Sa idinaos na ilang araw na pagdinig sa Senado, nakita ng sambayanan sa pagsubaybay sa tila telenobela na imbestigasyon kung sino ang nagsasabi ng totoo. Nagturuan at nagsisihan pa ang PNP at AFP sa nangyari Nagkaroon tuloy ng lamat ang relasyon ng PNP at AFP. Marami naman ang nagtaas ng kilay at napa-look sa sky, nang sabihin ni General Purisima na hindi siya nag-utos at nagpayo lamang sa inilunsad na “Oplan Exodus” upang dakpin ang dalawang teroristang sina Marwan at Basit Usman. Ngunit nagmukhang engot ang nag-resign na PNP chief nang diretsahang tanungin siya ni Senador Miriam Defensor Santiago na bakit siya nakikialam samantalang suspendido siya. Dapat ay nanahimik na lamang si Purisima sa mansion nito sa Nueva Ecija o sa “White House” sa Camp Crame. Tinanong pa kung wala siyang tiwala kina General Espina at Secretary Mar Roxas at hindi sinabi ang Oplan Exodus. Napagbintangan naman ang dalawang leadies na sina Deles at Ferrer na nag-aabugado sa MILF. At sa huling araw ng pagdinig sa Senado, inako ng nagresign na PNP chief ang pananagutan sa naganap na madugong masaker. Gayundin ang ginawa ng tinanggal na direktor ng PNP-SAF. May inililigtas kaya sila na dapat managot?

National

‘Hindi nag-eexist?’ Mary Grace Piattos, walang kahit anong record sa PSA