KALIBO, Aklan – Ilang oras na isasara ang Kalibo International Airport (KIA) bukas, Marso 3, dahil magsasagawa ng road repair sa runway nito.

Ayon kay Martin Terre, bagong airport manager ng KIA magsisimula ang road repair dakong 3:00 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga ng nasabi ring araw.

Hindi naman malinaw sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) kung ilang international at domestic flights ang kinansela dahil sa anim na oras na runway repairs.

Kampo ni PSMS Mollenido, nilinaw na hindi siya inaresto kaugnay ng pagpatay sa mag-ina niya