VICE Ganda

SABIK ang fans ni Vice Ganda na muli siyang mapanood sa solo concert.

Matibay na patunay ang 23,766 likes (as of 1:00 PM, February 28) sa kanyang Instagram account nang i-post ang poster sa kanyang Vice Gandang-Ganda Sa Sarili... Sa Araneta E Di Wow!  concert.

Sa May 22 nakatakdang ganapin ang VGGSS concert sa Smart Araneta Coliseum at kasabay ng maraming likes ang pagtatanong kung maaari nang makabili ang tiket. Iyong iba, mag-iipon pa lang nang pambibili ng tiket.

Nakakatuwa rin na may fans si Vice Ganda sa abroad na uuwi ng Pilipinas just to watch him performing live onstage.

CPP-NPA, iginiit na 10 lang ang miyembro sa 19 na napatay ng militar; 9 katao, sibilyan!

Hindi pa in-announce kung sino ang guests sa concert, may nagre-request na i-guest sina Karylle at  Alex Gonzaga.

Hintayin natin kung kasama ang dalawa sa magiging guests sa VGGSS concert na ngayon pa lang ay hinuhulaan nang magiging jampacked uli. --Nitz Miralles