ROSARIO, Cavite – Hindi pa rin natutukoy ang pinagmulan ng contaminants na pumatay sa libu-libong isda sa Malimango River sa bayang ito noong Setyembre at Disyembre ng nakaraang taon.

Sinabi ni Mayor Jose “Nonong” Ricafrente, Jr. na hindi pa nailalabas ang opisyal na report ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) tungkol sa misteryosong fish kill.

Ipinag-utos ni Ricafrente sa BFAR, DENR, gayundin sa Cavite Economic Zone Authority (CEZA), na imbestigahan ang tungkol sa fish kill noong Setyembre 25 at Disyembre 15 at maglabas ng report tungkol sa insidente.

Nasa isang tonelada ng patay na isda ang iniahon mula sa ilog noong Setyembre. Muli itong naulit makalipas ang tatlong buwan at napatunayang kontaminado nga ang ilog.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Ayon sa paunang report ng BFAR at DENR, ang mga nakalalasong kemikal at dumi, bukod pa sa mababang oxygen level, ang nagbunsod ng fish kill sa ilog. - Anthony Giron