Ito ang ikalawang bahagi ng ating paksa tungkol sa mga obvious na aral sa buhay na paulit-ulit mong naririnig ngunit nalilimutan naman agad. Kung may isang bagay na maituturo ang buhay sa iyo, ito ay ang makipagsapalaran, humakbang ka nang napakalaki. At kahit wala kang ideya kung saan lalapag ang iyong mga paa, maging matapang na tumindig at lumakad, makinig ka sa idinidikta ng iyong puso.
Ipagpatuloy natin...
- Ang pagiging busy ay hindi nangangahulugang productive. – Hindi bertud ang pagiging abala sa trabaho, ni hindi iyon dahilan upang irespeto ka. Gayong lahat tayo ay nakararanas ng mahihigpit na schedule, iilan lang sa atin ang may lehitimong pangangailangan na maging busy sa lahat ng oras. Hindi lamang natin alam kung paano mamuhay sa tinatanggap nating sahod, kung anong trabaho o aktibidad na dapat unahin, at kung kailan tayo tatanggi sa karagdagang trabaho/aktibidad kung kailangan.
Ang pagiging busy ay hindi nangangahulugang productive sa panahon ngayon. Mas marami ang taong busy kaysa mga taong productive. Ang mga busy ay laging nagra-rush sa lahat ng dako, laging gahol sa oras at walang panahon para sa pamilya, sa kaibigan, sa sarili; ngunit sa kabila niyon, hitik na hitik sa aktibidad ang kanilang kalendaryo, kayraming email na dapat basahin, at busy rin sa smartphone dahil hanggand doon umaabot ang mga kailangang gawing trabaho. Sa busy nilang schedules, nakukuha nila ang pakiramdam na mayroon silang importansiya. Ngunit ilusyon lamang iyon.
Gayong sa pagiging abala ay may kaakibat na pakiramdam na buhay na buhay tayo sa mga sandaling iyon, ngunit hindi naman tumatagal ang ganoong pakiramdam. Darating ang sandali, hindi man ngayon o bukas, na hihiga na tayo ating banig ng kamatayan na nagsisisi at namimighati, dahil masyado tayong naging abala sa ating propesyunal na buhay at hindi naglaan ng mas maraming panahon sa aktuwal na pamumuhay na may katuturan.
Sundan bukas.