vicky-morales-copy-419x500

PINARANGALAN si Vicky Morales ng GMA Network bilang Adamson Media Awardee of 2015 sa isang seremonyang idinaos sa Adamson Theater noong Pebrero 18.

Si Vicky Morales ay co-anchor ng primetime newscast ng GMA na 24 Oras at host naman ng public affairs programs na Wish Ko Lang (GMA) at Good News (GMA News TV). Siya ang ikaapat na Kapuso news personality na ginawaran ng naturang parangal kasunod nina Kara David (2013), Jessica Soho (2012) at Howie Severino (2011).

Mula sa 118 kandidato na galing sa broadcast, print, at new media, nagwagi si Morales sa pamamagitan ng survey na idinaos sa select partner communities ng Adamson University (AdU) at sa isang vote-casting ng iba’t ibang departamento ng AdU.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Inilunsad ang Adamson Media Award limang taon na ang nakararaan upang kilalanin ang media practitioners na ang mga gawa ay nagsusulong ng “poverty alleviation, education, and public information” at nagpapamulat sa publiko patungkol sa iba’t ibang “critical and social issues” sa bansa.