Julia-at-Dennis-copy

FOR a change, good news ang ibinalita ni Dennis Padilla nang mag-guest siya sa Aquino and Abunda Tonight last Thursday.

Masaya niyang ini-reveal na nagkaayos na sila ng kanyang anak na si Julia Barretto.

Ayon sa aming source, may mga taong nag-effort para magkaharap ang mag-ama at makapag-usap nang masinsinan pagkatapos ng kanilang maemosyong palitan ng mga pahayag sa social media, ilang buwan na ang nakararaan.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Ayon sa komedyante, maayos ang naganap na pagtatagpo at pag-uusap nilang mag-ama. Kaya, sa wakas, naihinga ni Dennis kay Julia ang mga bagay na matagal na niyang gustong sabihin sa anak.

Shocked siyempre ang Kapamilya teen star dahil sa mga rebelasyon o ipinagtapat ng ama sa kanya. Maraming bagay na nalaman si Julia na ngayon lamang nito nadiskubre, mga bagay na sila na lamang mag-ama ang nakakaalam sa ngayon.

Anyway, ang highlight ng kanilang pagtatagpo ay ang pagbibigay ng imbitasyon kay Dennis sa debut ng anak sa susunod na buwan. Maging ang kanyang lola at live-in partner ni Dennis na si “Linda” ay binigyan din ng invitation ng dalagita.

Kaabang-abang tuloy sa mga intrigero kung sisiputin o dededmahin ng ama ang debut ni Julia.

Pero naniniwala kami hindi iindyanin ni Dennis si Julia sa napaka-special nitong araw dahil ang mensahe ni Dennis sa anak, “Isang text mo lang, andiyan na ako.”

Meaning, ang text lang ni Julia ang makakapagpapunta sa kanya sa araw na ‘yun, kesehodang may isyu sa kanila ng ex-wife na si Marjorie Baretto.