Julia-Baretto-copy

SA wakas nagbigay na ng pahayag si Rayver Cruz tungkol sa balitang idinideyt niya ang tutuntong pa lang sa disiotso anyos na si Julia Barretto.

Gaya ng maraming showbiz partners na nali-link sa isa’t isa, ang palasak na sagot ay, “We’re close friends.”

Ganito rin ang isinasagot ni Rayver tuwing tinatanong tungkol sa real score nila ng anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

“Walang real score. Kapag nagpag-uusapan namin ni Julia, natatawa na lang kami kasi super-close ako sa family niya,” sey ng actor-dancer.

Nagsimula raw ang ‘closeness’ nila noong magkasama ang dalawa sa isinagawang “Barrio Fiesta” show ng Kapamilya Network sa London.

Maging ang mommy ni Julia ay naging kapalagayan na rin niya ng loob after London trip.

“’Tapos pagbalik namin (ng ‘Pinas) ay naging close ako sa buong pamilya niya,” sey pa ng dating boyfriend nina Cristine Reyes at Sarah Geronimo.

“Natutuwa ako dahil nagkaroon ako ng second family kasama sila. Hindi ko ini-expect ‘yun kasi mga Barrettos, sobrang saya nila kasama. Natatawa na lang kami kasi parang kailan lang may nag-tweet sa akin, ‘dating daw’? Eh, ‘yung picture na ‘yun kinunan kaming dalawa lang pero kasama namin ‘yung buong family,” paglilinaw pa ni Rayver.

Ganu’n? Kaibigan lang pala? So, wait na lang tayo sa mga darating na araw kung magiging sila na nga gaya ng ibang showbiz couples na nagsimula sa pagiging close friends at pagdedenay hanggang sa umamin din naman nang maghiwalay na.