Sapagkat matagal nang nakalubog sa karukhaan at kawalan ng pagbabago dahil madalas na hinahagupit ng malalakas na bagyo at iba pang natural na kalamidad, inaasahang sisigla ang paglago ng Bicol Region ka inaprubahan kamakailan na P104 bilyong South Railways Project ng National Economic and Development Authority (NEDA). Ang muling pagbuhay sa nalaos na Bicol Express na umuugnay sa Maynila at Legazpi City, Albay ay bahagi ng North-South Railway master plan ng North-South Commuter Railway project sa halagang mahigit P117.3 bilyon at ang P170 bilyong North-South Railway Project.

Ipatutupad sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP) scheme ng pamahalaan, maisusulong ng naturang proyekto ang kaunlaran ng Bicol Region na binubuo ng mga probinsiya ng Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate at Sorsogon.

Gayong hindi dapat bigyang-diin, mahalaga ang Manila-Bicol railway link sa kaunlaran sa Southern Luzon. Maisusulong nito na rural tourism kung saan may malawak na potensiyal ang Bicol; mabibigyan ng kapangyarihan ang Bicol labor na makipagtagisan sa labor markets ng Metro Manila at saan man sa Luzon, at maging katuwang ng isang multi-modal transport system na magpapaigting ng kahusayan ng paghahatid ng tao at produkto sa rehiyon at sa buong Luzon.

Gayong naging mabagal noon bunsod ng regular na pagmamalupit ng mga bagyo, nakapagtala ang Bicol ng kahanga-hangang 9.4% economic growth noong 2013, na mas mataas kaysa 9.1% growth performance ng Metro Manila. Ang Bicol ngayon ang pinakamabilis lumagong rehiyon ng bansa. Ang kahanga-hangang paglagong ito sa maigsing panahon ay iniuugnay kay Albay Gov. Joey Salceda na, bilang chairman ng Bicol Regional Development Council (RDC) at ng Luzon Area Development Coordinating Council (LADCC), nagawang panibaguhin ang direksiyon ng kaunlaran ng Bicol mula pa noong 2007, at nagsikap nang walang patlang upang maisulong ang prioritisasyon ng South Railway Project.

National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’

Saklaw ng LADCC ang walong RDC na inatasang isulong ang direksiyon ng ekonomiya sa Mainland Luzon na binubuo ng 38 probinsiya, 771 lungsod at munisipalidad. Bilang re-elected chairman ng LADCC, nangako si Salceda na isusulong niya ang Luzon 2045 Plan kung saan sa ilalim nito prioridad ang South Luzon Railways.