NEW YORK (AFP) – Maaaring maging parte ng eksena sa television program na “Breaking Bad” ang mga nangyari sa pagawaan ng cherry sa New York.

Tumigil na ang isang pagawan ng cherry sa New York matapos itong puntahan ng mga pulis at mabisto ang sekretong operasyon sa paggawa ng marijuana, bago nagpakamatay ang may-ari ng pabrika.

Mahinahong nagpaalam sa mga pulis si Arthur Mondella, 57, may-ari ng Dell’d Maraschino Cherries sa Brooklyn, nagtungo sa banyo, at nagbaril sa sarili, iniulat ng media.

Nag-iimbestiga na upang matukoy kung saan itinatanim ang marijuana at saan ibinibenta ang mga ito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20