Tinanggihan ng isang korte sa Quezon City ang petisyong makapagpiyansa ang 11 sa 12 akusado sa kaso ng “Maguindanao Massacre’’ dahil malinaw na natukoy na nasa pinangyarihan sila ng krimen batay sa mga inihaing ebidensiya.

Sa 11-pahinang omnibus order, ibinasura ni Quezon City Regional Trial Court Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes ang mga bail petition nina Armando Ambalgan, Misuari Sinsuat Ampatuan, Modades Ampatuan, Salik Bangkulat, Taya Bangkulat, Macton Bilungan, Mohamad Datumanong, Moactur Daud, Nasser Esmael, Sonny Pindi at Salipada Tampogao.

Gayunman, pinagbigyan ni Reyes ang petisyong makapagpiyansa si Datutuhon Esmael, dahil walang sinuman sa 14 na testigo ng prosekusyon ang nagturo rito bilang isa sa mga nagmando ng checkpoint sa Sitio Masalay.
National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza