Ni WALDEN SADIRI M. BELENRichard-Yap-copy2-263x300

Inamin niyang inalok at itinutulak na siyang magkaroon ng concert noon ngunit pakiramdam niya ay hindi pa siya ganoon kabihasa at kahanda kahit nakapaglabas na siya ng self-titled album. Pero sa naipamalas niyang pagkanta sa katatapos na Tinagba Festival sa Iriga City, at sa napakainit na pagtanggap sa kanya ng mga Irigeño, handang-handa na siya!

“Hindi ko pa alam kung matutuloy ngayong taon pero sana,” pag-amin ni Richard.

Ang simpleng mini-concert ni Richard ay kaakibat ng 40th Tinagba Festival, na muling nagpamalas ng pagkamalikhain ang mga Irigeños sa paggawa ng kanilang mga karosa. Ang pakontes ng mga karosa ay taunang pagsasalarawan ng pagpapasalamat sa masaganang ani, sa agri-business man o sa iba pang mga negosyo, ng mga taga-Iriga. Ang mga nanalo ngayong taon sa Float Competition at Fantillusion ay ang mga sumusunod: 1st ang #2 ng Feast of our Lady of Lourdes River Unit, 2nd ang #6 ng Gayon Bicol Midland Mountains, at 3rd ang #5 Floats National Road.

National

Clothing store, nag-sorry sa customer na pinaalis dahil sa stroller ng anak na PWD

Hindi lang husay sa pagkanta ang naipamalas ni Richard sa Iriga (salamat kay Mayor Ronald Felix “Gang Gang” Alfelor) kundi maging ang husay sa pakikipagkapwa-tao. Kahit naantala ng apat na oras ang biyahe niya mula Manila hanggang Legazpi, nakitaan pa rin siya ng sobrang sigla ng Irigeños.

Ipinakita rin ni Richard ang kanyang rugged “new look” - bagong hairstyle, at mas matipunong katawan. Habang hindi pa raw nagsisimula ang bago niyang teleserye, nagdesisyon siyang magbalik sa gym at magpapayat. Habang kaya raw niya at may panahon gusto niyang makamit ang “look” na nasa isip niya.

“I’m trying something new habang wala pang show,” sabi niya. “Pero meron akong gagawing bagong teleserye. Balik primetime na naman. Hopefully by March.”

Wala ba naman siyang “withdrawal” sa natapos nang Be Careful With My Heart?

“Wala naman. It was a good run so happy na kami doon. Mahirap i-end kasi hindi mo alam kung papaano puputulin yung story,” sagot niya.

Hindi rin siya nainip sa paghihintay ng panibagong teleserye dahil may mga negosyo siyang pinagtutuunan ng pansin tulad ng Wang Fu restaurant.

“We are planning to grow it pero more in Metro Manila lang muna. Pero hindi naman ganu’n kadami kasi hindi naman namin kayang bantayan lahat. Kasi sariling tao namin talaga nagbabantay. Hindi mo p’wedeng iwan kahit kanino lang ‘yung ano kasi magsa-suffer ‘yung quality so we make it a point na may nagbabantay talaga doon,” pagsaad niya.

Balik interiors/furniture business din siya.

“We’re importing wooden flooring from Indonesia, my family was into interiors before interior furniture company dati. So nasa linya ko ‘yun and I’m going back to it. Fall back dahil hindi naman panghabang-buhay ang showbiz at kailangan talaga may plano,” paliwanag ni Richard.