Isang 22-anyos na Black American ang kakasuhan matapos niyang kagatin ang isang 25-anyos na taga-Malate noong Martes ng hatinggabi habang nakatayo at naghihintay ng masasakyan ang biktima sa Taft Avenue.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Rolando Soriano, 25, housekeeping staff ng isang hotel sa Maynila.

Ayon sa pahayag ni Soriano sa pulisya, naglalakad siya sa Taft Avenue, sa panulukan ng Finance Road at Ermita at nag-aabang ng masasakyan pauwi nang bigla na lang sunggaban at kagatin ng suspek ang kanyang braso.

“Naitulak ko siya at nakatakbo ako. Nang marinig niyang nagsisisigaw ako, tumakbo rin siya. Sinundan ko siya at natiyempuhan ko ang isang police mobile car na pinara ko,” kuwento ni Soriano said.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Sinabi ni Soriano na nakita niya nang sapakin at tadyakan ng dayuhan ang mga pulis na umaaresto rito.

Ayon kay PO2 Renier M. Broncano, walang damit pang-itaas at pinapara ni Ib Young, 22, turista, kasalukuyang nakatuloy sa Avida Tower sa Sta. Cruz, ang lahat ng sasakyan sa lugar.

Lasing umano ang suspek, na nahaharap sa mga kasong alarm and scandal, resisting arrest at physical injury. - Jenny F. Manongdo