Unti-unti nang humuhulagpos sa kamay ng mga national cyclist, partikular ang kinilalang PSA Athlete of the Year na si Daniel Caluag, ang pagkakataong makabalik sa prestihiyosong 2016 Rio de Janeiro Olympics sa Brazil.

Ito ang napag-alaman sa Union Cycliste International (UCI) Commissaire, na namamahala sa ginaganap na Ronda Pilipinas 2015 na inihahatid ng LBC, bunga sa kakulangan ng kinakailangang puntos sa mga indibidwal at kabuuan para sa bansa upang makalahok sa kada apat na taong Olimpiada.

Ipinaliwanag ni Beatrice Lajawa, isang Malaysian at Ronda chief timer judge commissaire, na kasalukuyang dominado ng Japan ang mga disiplinang road race, mountain bike at BMX dahil sa mga natipong puntos sa paglahok nila sa Asian Cycling Championships, World Cup at World Cycling Championships.

“Olympic qualifying points are earned in UCI sanctioned races,” sinabi ni Lajawa.

National

VP Sara, humingi ng pasensya sa mga ‘nai-stress’ sa kaniyang sitwasyon

“Right now, Japan is occupying the top spots with having the highest points they earned in joining UCI races,” paliwanag nito.  

May pagkakataon na makakuha ng awtomatikong silya ang isang siklista sa Olympics kung makukubra nito ang napakahalagang gintong medalya sa mga nakakalendaryong aktibidad ng UCI.

Sinabi ni Lajawa na may apat na taon ang bawat bansa upang makatipon ng mga puntos kung saan ay depende sa silyang nakataya para sa isang rehiyon na tulad sa Asya.

“Depending on how many slot are allotted by UCI on each region, like in Asia for example, the country with the highest points on each event of road race, BMX and MTB will have the highest chance of participating in the Olympics,” giit pa ni Lajawa.

Napakalayo naman ng Pilipinas sa listahan ng mga nakatipon ng puntos kumpara sa karibal na mga bansa.

Matatandaan na nakuwalipika si Incheon Asian Games gold medalist Daniel Patrick Caluag noong 2012 sa London Olympics Games matapos na manguna sa world ranking sa BMX upang maging unang Asyano na nakalahok sa event.