Sunshine-copy-363x500 (1)

TAHASANG itinanggi ni Sunshine Cruz ang akusasyon sa kanya ng kampo ng dating asawang si Cesar Montano na may kinalaman siya sa unang paglabas sa media tungkol sa reklamong inihain niya sa ama ng kanyang tatlong anak. 

Sabi ni Sunshine, walang nakaalam isa man sa mga taga-media tungkol sa inihain niyang reklamo na may kinalaman sa Violence Against Women and their Children (VAWC) dahil sa “kalaswaan” umanong ginawa ng aktor sa harapan ng kanyang tatlong anak na pawang mga babae.. 

“Sa totoo lang, Kuya Jimi, hindi ako at sa kampo ko nag-umpisang lumabas ang tungkol sa kasong ‘yan,” sey pa ni Sunshine sa amin. 

Lapagan ng resibo? Jam Villanueva, mas malinaw daw maglatag ng resibo kumpara sa OVP

Ipinakita niya ang write-up na lumabas sa Journal Online last Feb. 3 hinggil sa pagsasampa niya ng reklamo laban sa dating asawa na may banner na “Child abuse raps filed versus Cesar Montano” na isinulat ng isang Cory Martinez. 

“Ayan ‘yung kauna-unahang article about the complaint. Hindi namin kilala ang writer na ‘yan... iyan kasi ang ibinibintang nila sa ‘min na kami ang nag-leak ng complaint,” sabi ng aktres. 

Dagdag pa ng isa sa stars ng Oh My G ng ABS-CBN, mismong February 3 sila naghain ng reklamo laban kay Cesar. Nalaman na lang daw niya na may lumabas na artikulo hinggil sa inihain niyang reklamo nang tumawag sa kanya ang asawa ni Bayani Agbayani. 

“Wala akong kamalay-malay na may lumabas na pala. Feb. 4 ng afternoon ‘yung wife ni Bayani called me up and told me may article daw sa Journal. Tapos hayun, dire diretso na ‘yung mga sinusulat ng camp ni Montano about me… lumaki na nang lumaki. Sorry po, hindi ko kilala ang writer na ‘yun,” sey pa rin ng aktres.

Lahad pa rin ni Sunshine, ayaw na niyang magsalita mula ngayon tungkol sa isyu sa kanilang dalawa ni Cesar at sa kasong isinampa niya. 

“Basta we filed the complaint discreetly ‘tapos na-magnify na kasi ang dami nang sinusulat nu’ng kabila denying. Whatever it is, Kuya Jimi, quiet na tayo… for the kids na lang.  Gusto ko humupa na itong issue. Hayaan na natin silang magsalita nang magsalita becacuse sooner or later lalabas ang totoo,” sabi pa ng aktres sa amin.