TAAL, Batangas – Natagpuan noong Linggo na wala nang buhay at may sugat sa ulo ang isang babae na hindi pa nakikilala ng pulisya sa Taal, Batangas.

Ayon sa report ni PO2 Joseph Catapang, dakong 12:15 ng tanghali nang matuklasan ang bangkay na nakahandusay sa tabing kalsada ng Barangay Tulo sa Taal.

Inilarawan ang biktima na nasa 25 taong gulang, may taas na 5’, nakasuot ng maong pants, pink long sleeves at pulang sandals.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang pagkamatay ng biktima, na kinilala pa.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20