Isang Sabado, nilinis ko ang magulong silid ng aking dalagang anak sa aming bahay. Sa pagsalansan ko ng kanyang mga papel, napukaw ang aking atensiyon sa isang aklat na tungkol sa mga alamat. Binasa ko ang buhay ni Prometheus. Si Prometheus na anak ng isang Titan, isa sa mga higanteng nakatatandang diyos ng Greek Mythology. Kaibigan ng mga mortal si Prometheus.

Nagpupuslit ng apoy si Prometheus mula sa langit at ibinibigay niya iyon sa mga taga-lupa upang maibsan ang lamig. Si Prometheus din ang nanghula sa sasapiting kamatayan ni Zeus ngunit hindi niya sinabi kay Zeus kung paano ito mamamatay. Dahil sa galit, kinadena niya si Prometheus sa isang malaking bato sa tuktok ng bundok kung saan araw-araw siyang dinadalaw ng isang buwitre upang kainin ang kanyang atay. Sinabi sa kanya ni Zeus na huwag na siyang umasang matatapos ang kanyang paghihirap; hanggang may dumating na diyos na hahalili sa kanyang pagdurusa. At dahil imortal siya, tumutubo lang ang kanyang atay ngunit nararamdaman niya ang kirot at hapdi ng paglamon sa kanya ng buwitre. Nangyayari ito sa loob ng tatlumpung taon hanggang mapatay ni Hercules ang ibon na nagpahinto ng kanyang paghihirap.

Ang kathang-isip na istoryang ito ay mahahalintulad noong araw nang mamatay si Jesus sa krus. Nakakadena ang sangkatauhan sa kasalanan at walang pag-asang makatakas kung hindi hahalili ang Diyos para sa atin. At iyon mismo ang nangyari. Si Kristo Jesus, na Anak ng Diyos, ay namatay upang tubusin tayo sa ating pagkakasala. Nagbigay Siya ng daan upang maligtas tayo mula sa walang katapusang parusa. Magsulat man tayo sa loob ng sanlibong araw o dantaon, hindi natin mailalarawan o maipahahayag ang kahulugan ng pagsasakripisyo ni Jesus para sa katubusan mula sa kasalanan ng sangkatauhan. Hindi natin mauunawaan ang buong kahalagahan ng pag-aalay Niya ng buhay.

Kung nananampalataya at nagtitiwala ka kay Jesus, malalaman mo ang kahulugan ng paghalili Niya sa iyo sa tanikala ng pagdurusa.
National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’