“DON’T talk to me! Don’t touch me!” 

Ito raw ang mga katagang parating sinasabi ng kilalang aktor kapag may ayaw siya sa nangyayari o hindi niya gusto ang taong kausap niya.

Hindi lang iisa o dalawang tao ang nagsabi nito sa amin, noon pa, pero hindi namin pinansin kasi baka ginagawan lang ng isyu ang kilalang aktor. Pero nitong halos buong team o production na ang nagkukuwento, sumabay pa ang mga direktor na nakatrabaho na rin ng aktor, ay saka lang kami naniwala na totoo nga, hindi pala charos lang.

“Naku, Reggee, ugali na niya talaga ‘yan gusto niya siya ang tama parati, gusto niya siya ang masusunod, gusto niya bida siya, ayaw niya ng second lead, ayaw niya ng napagsasabihan. Feeling superstar siya. Kaya maraming galit sa kanya,” kuwento sa amin ng nakatrabaho na ng kilalang aktor.

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

Dagdag pa ng spy namin, wala na lang daw magawa ang production people kapag ang kilalang aktor ang kasama sa mga project nila dahil utos nga naman ng management.

Oo nga naman, kaysa mawalan sila ng trabaho, e, di pagtiisan na lang nila si Kilalang Aktor na nagbibigay sa kanila ng work.

“Hindi rin, titiisin ko ang ugali niya? Maraming raket na iba, mas gusto ko pang tumunganga kaysa katrabaho siya,” katwiran sa amin ng taong ayaw na ayaw nang makatrabaho ang kilalang aktor.

At may pahabol pa ang mga kausap namin, “Tino-tolerate kasi  siya ng mga taong nakapaligid sa kanya kaya ganyan ang ugali niya.”