“The Lord will deliver it to my hands.”

Ito ang sinabi ni Filipio boxing icon Manny Pacquiao hinggil sa kanyang tsansa sa nakatakdang paghaharap nila ni undefeated champion Floyd Mayweather Jr.

Ayon kay Pacquiao, labis ang kayang pagkagalak dahil matutuloy na rin ang pinaka-aabangang laban nila ni Mayweather na halos limang taon ding hinintay ng milyun-milyong boxing fans.

 “I’m just very happy because the fight is now on,” ayon kay Pacquiao sa panayam sa kanya kahapon sa isang pang-umagang programa sa telebisyon.

National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’

Sinabi pa ni Pacquiao na natutuwa siya dahil ang laban na ito ay matagal nang hinihiling ng boxing fans.

Samantala, ayon sa ilang mga insider sa kampo ni Pacquiao, pumayag si Pacman sa hatian na 60-40 sa kikitain ng nabanggit na megafight na magaganap sa Mayo 2 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas para lamang ito matuloy kung saan lamang si Mayweather sa partihan.

Ngunit wala sa napagkasunduan nilang kontrata ang clause na magkakaroon ng rematch pagkatapos ng laban.

Ito’y upang hindi umano matali si Pacquiao sa 60-40 na hatian kung mayroon mang susunod na laban at maaari na siyang mag-demand ng 50-50 kung sakali.