Nikki-Valdez-copy

MASAYANG kakuwentahan si Nikki Valdez, ang isa sa mga aktres na naging kaibigan namin. Simula nang magkakilala kami ni Nikki noong baguhan pa lamang siya sa showbiz hanggang ngayon ay walang pagbabago sa ugali kaming napapansin sa kanya.

Palabati pa rin ang aktres/singer at isa sa iilan taga-showbiz na sumasagot agad sa anumang itinatanong sa kanya sa text.

“Wala naman tayong dapat ipagbago,” sey niya.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Thankful si Nikki na hindi siya nawawalan ng trabaho hanggang ngayon. Sunud-sunod ang mga proyektong ipinagkatiwala sa kanya, at ang latest ay ang malapit na ring mapanood na Inday Bote na pinagbibidahan ni Alex Gonzaga.

At least daw kahit walang financial support siyang natatanggap mula sa asawa niyang Canadian-Filipino na si Christopher Lina ay maganda pa rin ang buhay nila ng naging anak nilang si Olive Isabel na seven years old na ngayon.

Ang buong akala raw niya noon ay magiging maganda ang buhay may-asawa niya kaya ipinagpalit niya ito sa kanyang showbiz career. Dalawang taon daw silang nagsama ng asawa pero nauwi rin ang lahat sa hiwalayan

Hindi niya itinago na third party ang dahilan, sa parte ng dating asawa, ng paghihiwalay nila. July 7, 2007 sila ikinasal at 2009 nang matanggap ni Nikki ang divorce paper mula sa asawa niya at 2011 naman na-grant ng korte.

Nagdesisyon si Nikki na bumalik sa Pilipinas para ipagpatuloy ang showbiz career niya.