Patay ang isang dating traffic enforcer matapos mahagip ng isang truck ang kanyang sinasakyang motorsiklo ilang oras matapos magdiwang sa kanyang kaarawan sa Valenzuela City kahapon ng madaling araw.

Pauwi na sana ang biktima na si Wilfredo Esma, 37, ng Barangay Dalandanan, nang salpukin ng isang Fuso truck, na minamaneho ni Joseph Legaspi, 26, ang kanyang sinasakyang Honda motorcycle na may plakang 632-XY dakong 2:45 ng madaling araw sa MacArthur Highway sa Barangay Malanday.

Dead-on-the-spot si Esma dahil sa tinamo nitong sugat sa ulo at katawan, ayon sa imbestigador.

Dahil sa lakas ng pagkakasalpok ng truck, tumilapon pa ang helmet ng biktima matapos masagasaan ang kanyang motorsiklo ng dambuhalang sasakyan.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Ayon sa pulisya, katatapos lamang magdiwang si Esma ng kanyang ika-37 kaarawan kasama ang kanyang mga kaopisina at kaibigan.

Hindi naman nabatid sa police report kung nakainom ng alak ang biktima nang maganap ang insidente.

Kinasuhan si Legaspi ng reckless imprudence resulting to homicide, ayon sa pulisya.