Pebrero 22, 1630 nang ipakilala ng Indian native na si Quadequina, kapatid ni Massasoit, ang popcorn—na nasa deerskin bags—sa mga English colonist na ngayon ay United States, bilang kontribusyon sa kanilang hapunan para sa Thanksgiving.

Tinawag ito ng mga colonist na “popped corn”, “parching corn” o “rice corn.” Madalas itong dinadala ng mga Native American sa kanilang pakikipagpulong ng mga colonist upang bigyang-diin ang kapayapaan at kabutihang-loob.

Isiniwalat ng mga tuklas na ang popcorn ay maaaring nagsimula sa mga komunidad sa New Mexican Indian noong 300 A.D. at unang natikman noong 400 B.C.

Ginagamit ng mga Indian sa Mexico ang popcorn bilang dekorasyon sa kanilang mga diyos at sa kanilang ceremonial headdress at kuwintas. Noong unang panahon, niluluto ang popcorn sa pamamagitan ng pagputok ng kernels sa ibabaw ng mainit na bato, o pagsasalang ng kernels sa apoy.

National

Sen. Bato sa impeachment complaint vs VP Sara: ‘If they want to do it, then go ahead!’

Sa loob ng ilang dekada, parte na sa buhay ng mga Amerikano ang kumain ng popcorn.