WASHINGTON (AFP) – Iginiit ng Amerika nitong Huwebes ang isang matinding pandaigdigang pagkilos laban sa mararahas na grupong jihadist, sa gitna ng mga babala na nahaharap ngayon ang mundo sa “a new war against a new enemy.”

Sa pagtitipon ng mga minister mula sa mahigit 60 bansa sa ikatlo at huling araw ng isang summit sa White House, sumumpa si President Barack Obama na ang Washington ay magiging “strong partner” upang masawata ang mga grupong gaya ng Islamic State (IS) at Al-Qaeda.

Panukala ni Obama sa mga gobyerno na 1) magtulung-tulong laban sa mga dayuhang mandirigma; 2) tuldukan ang tensiyon sa mga sekta, gaya sa Syria; 3) ayusin ang mga pagkakaiba-iba sa epektibong diyalogo at hindi digmaan; 4) iwasang pondohan ang mga grupong terorista; 5) tugunan ang mga problemang pulitikal at pang-ekonomiya; 6) isulong ang edukasyon para sa lahat, partikular sa kababaihan; 7) at itaguyod ang demokrasya at malinis na eleksiyon.

National

CHIZmis lang daw? Pagkalas sa liderato ni SP Chiz, itinanggi ng ilang senador