Mula diktadurya hanggang demokrasya, nasaan na ngayon ang minamahal nating Pilipinas? Malaya na nga ba tayo sa kuko ng US at China, sa pangil ng kahirapan, o daklot pa rin tayo ng mga banyaga at kababayang mga lider na bukod sa inutil ay sugapa sa PDAF, DAP at mga KKK?

Dahil nalalapit na ang ika-29 anibersaryo ng People Power noong 1986, na tinanghal na mga bayani sina ex-defense minister Juan Ponce Enrile at ex-AFP vice chief of staff at PC-INP chief Lt. Gen. Fidel V. Ramos, hayaaan ninyong humabi ako ng maikling tula: “Mula diktadurya hanggang demokrasya, ang mahal kong Pinas sagana sa dusa, Beloved Philippines, my beloved country, are you free, are you free? Or your freedom went awry?

Pinagbibintangan ng mga kritiko at ng militant groups ang US na nasa likod diumano ng palpak ng operasyon laban kina Malaysian bomb-maker Zulkifli bin Hir at local terrorist Adbul Basit Usman na ikinamatay ng 44 kasapi ng PNP Special Action Force (SAF) noong Enero 25 sa Mamasapano, Maguindanao. Katwiran ng mga nakausap ko na may malayang kaisipan eh ano raw ang masama sakaling tumulong ang mga Kano sa PNP-SAF operations eh kaalyado naman natin sila. Ito raw bang mga Chinese na iniidolo nila ay tumutulong sa atin? Bakit tahimik at tameme sila sa pandururo ng dragong China sa patuloy na pangangamkam sa mga reef, islet at atoll sa West Philippine Sea na saklaw ng ating hurisdiksiyon?

Marami rin ang nagtatanong kung nasa Koran ng Islamic State of Iraq and Syria ang pamumugot ng mga kaaway o tinatawag nilang “infidels”. Ayon sa ulat, may 21 Egyptian Christian na dinukot ng ISIS sa Libya ang pinugutan at ipinalabas pa nila ito sa video clip para makita ng buong mundo. Sisihan nang sisihan. Turuan nang turuan. Bakit hindi gayahin ni PNoy ang di-malilimutang salita ni ex-US Pres. Harry Truman nang ang kanyang administrasyon ay kaliwa’t kanang binabatikos ng mga kritiko: “The buck stops here.” Ibig sabihin, pananagutan niya ang lahat!
National

Amihan, shear line, ITCZ, patuloy na magpapaulan sa PH