Michael-Pangilinan

MATAGAL na nagtiyaga at naghintay ang alaga ni Katotong Jobert Sucaldito na si Michael Pangilinan pero nagbunga na ito dahil malapit na pala silang i-launch sa ASAP kasama sina Joseph Marco, Marlo Mortel at Bryan Santos at tatawagin ang grupo nila bilang ‘Harana’.

Sobrang excited si Michael dahil pangarap talaga niyang mapasama sa ASAP at malaki nang karangalan sa kanya kahit na hindi gaanong kalakihan ang exposure niya.

 

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Noong nakaraang Linggo kasi ay nakasama siya kina JM de Guzman, Princess Velasco at Paolo Valenciano sa awiting Blank Space ni Taylor Swift kasama rin sina KC Concepcion at Billy Crawford.

 

Pagkatapos ng production number ay tumakbo naman siya sa ASAP Chill-Out para kantahin ang Pare, Mahal Mo Raw Ako na bukambibig ngayon ng lahat at umabot na sa 4 million views sa YouTube.

 

Pinaghahandaan din ni Michael ang pagganap bilang Crisostomo Ibarra sa stage play na Kanser mula sa Gantimpala Theater Foundation na gaganapin sa AFP Theater kasama si Marion Aunor.

 

At mukhang mahaba-haba ang pagsasamahan nila ni Marion na paborito mo, Bossing DMB dahil sa Hunyo 2015 ay may US tour sila sa 10 cities mula South to Westcoast produced ni Ms. Lala Aunor.

 

Samantala, ipinagpapasalamat din ni Michael ang successful show niya sa Teatrino, Greenhills noong Pebrero 11 kasama sina Morisette Amin, Duncan Ramos, Chazz, AJ Tamiza, at Ms. Malu Barry with the impromptu number with Martin Nievera ng awiting Kahit Isang Saglit.

 

At bukas (Sabado, Pebrero 21) ay lilipad papuntang Bacolod si Michael kasama sina Marion Aunor at Ate Gay para sa charity concert na may titulong “The King Deserves The Best” para sa Immaculate Conception Parish na ginagawa ngayon sa Bakyas, Mansilingan Bacolod City.

 

Nasa Luklukan Festival naman si Michael sa 2015 Balibago City, Sta. Rosa Laguna kasama sina Myrtle Sarroza at Atak.