HINDI pala nag-iisang taga-showbiz si Dennis Da Silva na nakakulong sa Pasig City Jail. Kasama rin pala ng dating aktor ang dating kasamahan niya sa That’s Entertaiment na si Ronnel Wolfe.

Nakausap namin last year si Dennis pero wala siyang ng binanggit na kasama niya sa kulungan si Victor.

Ang Startalk ng GMA-7 ang naglabas ng exclusive report tungkol sa nakakulong na si Ronnel dahil sa kasong may kinalaman sa droga. Si Ronnel ay kapatid ni Richard Merk.

Kung si Dennis Da Silva ay may mga kaibigan at kamag-anak na dumadalaw ay kabaligtaran naman si Ronnel. Sa pagkakaalam daw ng dating young actor ay nasa America ang kanyang ina na si Anne Brazil na sa totoo lang ay nasa Pilipinas ang dating singer.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

May dalawang taon nang nakakulong si Ronnel pero hindi raw alam ng kapatid niya dahil sa pagkakaalam daw nito ay nasa America siya, huh!