Natanggap na ng Pilipinas ang hinihinging P87.03 milyong halaga ng danyos at kompensasyon sa Amerika dahil sa pagsadsad ng barkong USS Guardian na nagdulot ng pagkasira sa Tubbataha Reef noong Enero 17, 2013, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa kalatas ng DFA kahapon, kinumpirma nito na natanggap na ng bansa ang naturang kabuuang kompensasyon noong Enero 20.

“The compensation will be utilized for the protection and rehabilitation of Tubbataha Reef Natural Park, a UNESCO World Heritage Site. Portions of the fund will also be used to further enhance capability to monitor the area and prevent similar incidents in the future,” ayon sa DFA.

Bukod sa kompensasyon, nangako rin ang Amerika na tutulungan ang Philippine Coast Guard para sa upgrade ng PCG Substation nito sa Tubbataha.

National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM

Noong Oktubre 2014 ay pumayag ang gobyerno ng Amerika na bayaran ang halaga ng danyos na bunsod ng malaking pinsala matapos na sumadsad ang kanilang barkong pandigma sa Tubbataha Reef sa Palawan.