Angelica & JM

UMANI na ng P100 milyon sa takilya ang Cinema One Originals 2014 film na That Thing Called Tadhana, na pinagbibidahan nina Angelica Panganiban at JM de Guzman mula nang ipalabas sa mga sinehan nationwide noong Pebrero 4.

Umani rin ng mga papuri ang tinaguriang “Ultimate Hugot Film” of the year dahil sa simple ngunit maganda nitong kuwento na siksik sa hugot lines. Ang Cinema One Originals romantic-comedy hit ni Antoinette Jadaone ang nanalo ng Audience Choice Award at Best Actress Award para kay Angelica sa Cinema One Originals film festival noong Nobyembre.

Simula 2011, unti-unti nang nakilala si Jadaone sa industriya dahil sa kanyang Cinema One Originals entry na Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay na nanalo ng anim na awards sa festival. Noong 2014, ang tinaguriang dream film ni Jadaone na That Thing Called Tadhana ang naging entry niya. Sa katunayan, bago pa naisapelikula, ang screenplay nito ay nagwagi na ng third place sa prestihiyosong 2014 Don Carlos Memorial Palanca Awards for Literature.

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'

Makalipas ang tatlong buwan, naging pre-Valentine’s offering ang pelikula ni Jadaone ng Star Cinema, ang film outfit ng ABS-CBN.

Umiikot ang kuwento ng That Thing Called Tadhana kina Mace (Angelica Panganiban) at Anthony ( JM de Guzman), dalawang Pilipino na sawi sa pag-ibig na nagkita sa Rome at nagdesisyon na pumunta sa Baguio at Sagada para hanapin ang sagot sa tanong na “where do broken hearts go?”